Monday, January 8, 2007

Sa Geneva

Eto ang first post ko sa Tagalog. Mabuti na rin na magpost sa wikang pambansa para naman maitayo ang bandila sa lupain ng mga Suizo. Here it goes:

Hello,

Nandito na ako sa Geneva. Hinatid ako kagabi sa Zurich train station at umalis ang train 7:30 ng gabi. Dumating ako ng Geneva mga 11:00 ng gabi at nagstay ngayon sa Youth Hostel dito
hanggang bukas siguro ng gabi.

Nagpunta na ako sa work ko kanina at pinirmahan ang mga papeles na kailangan. Ipinakilala ako sa mga superiors at workmates ko at mukha namang ok pero hindi nga lang kami magkaintindihan at medyo may cultural barrier dahil French ang salita. May nag-aalok sa akin ng tirahan sa France at kailangan kong makakuha ng French visa siguro mga bukas para makatira sa kanila. Mababait naman sila at taga-Argentina ang kumukuha sa akin.

Sana ma-approve ang visa para tapos na ang problema ko sa bahay at start na ako ng work. Pinuntahan ko kanina ang titirhan ko for February at mukhang weird dahil hindi sila tumatanggap ng credit card for payment of deposit at hindi rin siya tumatanggap ng cash. Punta
daw ako sa post office para bayaran ang deposit...

Medyo mahal ang pagkain pero mas masarap at high quality kaysa sa Canada. Kumain ako kanina sa cafeteria at nagbayad ako ng 12 francs para sa isang chicken drumstick. Sa McDonalds naman 11 francs kaya mas mabuti pa sigurong kumain sa cafeteria dahil mas nutritious pa ang
food.

Ok, talk to you later.

2 comments:

jouvs said...

Hi Mark. Buti naman at mukhang maayos na ang lagay mo diyan. Diba parang taglish ang post mo? Pasensiya na, lumalabas ang pagiging QA/Tester ko. :)

Napansin ko lang... medyo nasasanay ka na sa quality ng buhay diyan a. Pag umuwi ka dito sa atin wag ka masyado maselan ha. Aasarin kita pag ganun. mwahahahaha >:)

Ayun, sana makahanap ka na ng matitirahan at sana makasundo mo sila. Ingat ka diyan.

Alain said...

Hey Mark ... still waiting for your report on Switzerland ... haha ...

Cheers from Winterthur,

Alain